Cagayan de Oro City – Tinatayang Php544,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) at City Intelligence Unit (CIU) ng Cagayan de Oro City Police Office sa Zone 2, Colanda, Brgy. Iponan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-22 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas “Najer”, High Value Individual, 47, at residente ng Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay PBGen Coop, bandang 8:00 ng umaga ikinasa ang operasyon na nagresulta ng pagkakakumpiska ng siyam na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 80 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php544,000 at Php2,500 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang Oppo cellular phone at isang Toyota Innova na may Plate No. NGO 3801.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
āNagpapasalamat ako sa ating mga kapulisan lalong lalo na sa komunidad sa walang tigil na pagtulong upang masugpo natin ang ilegal na droga dito sa ating lugar. Ipagpatuloy lang po natin ang ating ginagawa at mas lalo pa nating pagtibayin ang ating samahan upang mas mapanatili natin ang kapayapaan dito sa Northern Mindanao,ā ani PBGen Coop.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10