Nagsagawa ang mga kapulisan ng Ambaguio ng Feeding Program at libreng gupit na idinaos sa Ambaguio Central School sa Brgy. Poblacion, Ambaguio, Nueva Vizcaya nitong ika-21 ng Pebrero 2023.
Pinangasiwaan ni Police Major Randy Joseph Carbonel, Acting Chief of Police ng Ambaguio PNP ang pamamahagi ng libreng serbisyo sa nabanggit na lugar.
Masayang nilahukan ng mga guro at mga mag-aaral sa nasabing aktibidad.
Ang hanay ng Pambansang Pulisya ay patuloy naman sa pagpapaabot ng libreng serbisyo para sa mamamayan upang mas pagtibayin pa lalo ang ugnayan ng komunidad at ng kapulisan.
Source: Ambaguio Police Station,
Panulat ni PCpl Harry B Padua.