Cavite – Nagsagawa ng 1st Cavite Provincial Launching ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA Program ang mga Government Units at Local Government Unit sa Bacoor Coliseum, Molino 3, Bacoor City, Cavite nito lamang Lunes, Pebrero 20, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng
Directorate for Police Community Relations na pinangunahan ni Police Brigadier General Arnel Amor Libed, Deputy Director, Community Anti- Crime Group at Hon. Juabilly Racho, Assistant Secretary for Peace and Order, Department of Interior and Local Government.
Dumalo sa aktibidad ang kinatawan ng Department of Interior and Local Government, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Department of Education, Local Governmen Unit ng Bacoor City at mga samahan galing sa iba’t ibang sector.
Ang BIDA Program ay naglalayon ng partisipasyon ng komunidad sa paglaban sa ilegal na droga at pababain ang gumagamit at nagbebenta sa ilegal na gamot na walang dala kundi terorismo, kriminalidad at wasakin ang magandang kinabukasan ng mga kabataan.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A