Isabela – Nakiisa ang mga tauhan ng Isabela PNP sa isinagawang Medical, Dental, Surgical Mission at Bloodletting Activity na ginanap sa San Mariano Masonic Temple, Barangay Magsaysay, Naguilian, Isabela nito lamang ika-19 ng Pebrero 2023.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Masonic District RII – Isabela North at Cagayan Valley Medical Center, katuwang ang mga tauhan ng Isabela PNP, sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Michael Aydoc, Chief, PCADU at Police Lieutenant Colonel Joel Dulin, C, PIU kasama ang Regional Medical and Dental Unit 2 at iba pang volunteer donors.
Sa naturang aktibidad ay nakatanggap ang humigit kumulang 378 na benepisyaryo ng serbisyong Medical, Dental, Surgical tulad ng dental extraction, libreng gamot, at medical check-up, kasabay din nito ang libreng tuli sa mga bata at pamimigay ng libreng bitamina.
Samantala, nagkaroon din ng Bloodletting Activity na may temang “Dugo ko Buhay Mo RMDU2” na layong makalikom at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malulubhang karamdaman at nangangailangan.
Ang ganitong uri ng aktibidad ay may hangaring makapagbigay ng serbisyong tunay at may malasakit.
Source: Isabela PIO
Panulat ni Police Staff Sergeant Jermae D Javier