Laguna – Naaresto ang 10 indibidwal sa paglalaro ng ilegal na poker sa ikinasang Anti-Gambling Operation ng mga tauhan ng Calamba City Police Station sa Brgy. Lecheria, Calamba City, Laguna, bandang 9:50 ng gabi nito lamang Sabado, Pebrero 18, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Milany Martirez, Chief of Police ng Calamba City Police Station, ang mga suspek na sina alyas Benedict, Avelino, Eddie, Jerwin, Joel, Dondon, Rocky, Zaldimar, Junry at Marlon, pawang nasa hustong edad, at mga residente ng naturang barangay.
Narekober sa mga suspek ang isang set ng baraha, at bet money na Php8,200.
Ang tagumpay ng Calamba PNP laban sa ilegal na sugal ay bunga ng pinaigting na suporta at pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapanatili na ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A