Parañaque City — Tinatayang Php136,000 halaga ng shabu ang nasabat sa apat na suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District nito lamang Biyernes, Pebrero 17, 2023.
Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng SPD, ang mga suspek sa pangalang alyas “Lanlan”, 30, (HVI-Pusher); Ivan, 32, (HVI-Pusher); Oliver, 36; at Darwin, 32.
Ayon kay PBGen Kraft, bandang 3:20 ng hapon nang isagawa ang nasabing operasyon ng mga tauhan ng SPD Drug Enforcement Unit kasama ang DID, DSOU, DMFB, PDEA-SDO, at Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit sa kahabaan ng Jordan Street Tramo 2 Block 31 Lot 15 Barangay San Dionisio, Parañaque City.
Nakuha sa mga operating unit ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 20 gramo at tinatayang Php136,000; isang itim na Samsung Cellular phone; isang gray na Nike sling bag; Php500 na ginamit bilang buy-busy money; isang caliber .45 colt automatic M1911AI United States property na may serial number 166070; at isang magazine para sa caliber .45 na may kargang tatlong live ammunition.
Paglabag sa Sections 5 kaugnay ng Section 26 at 11, Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang inihaing kaso laban sa mga suspek.
Tiniyak naman ni PBGen Kraft na walang lugar ang mga drug pusher sa lungsod kaya lalo pa nilang paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga sa distrito upang magkaroon ng payapa at ligtas na komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos