Rizal – Tinatayang nasa Php207,400 halaga ng shabu, kabilang ang baril at bala ang nasabat sa isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Antipolo City Police Station Drug Enforcement Team sa Sitio Manalite, Phase 1 Amara, Brgy Sta Cruz, Antipolo City bandang 3:17 ng hapon nito lamang Biyernes, Pebrero 17, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Jason”, 29, residente ng Antipolo, Rizal.
Narekober sa suspek ang 10 heat sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 30.50 gramo na nagkakahalaga ng Php207,400, isang kalibre .38 na baril, tatlong bala ng kalibre .38, isang dilaw na belt bag at isang pirasong Php500 bill ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Firearms Law.
Samantala, pinuri naman ni PCol Baccay ang matagumpay na operasyon at naninindigan na ang Rizal PNP ay lalong masigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng ilegal na droga sa probinsya ng Rizal.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A