Palawan – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Isugod, Quezon, Palawan noong ika-17 ng Pebrero 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng 1st Palawan PMFC sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Eldie Bantal, Force Commander ng 1st Palawan PMFC kasama ang mga tauhan ng Quezon MPS, Philippine Marine, Bureau of Fire Protection, The Fraternal Order of Philippine Eagles, Local Government Unit, Municipal Mayor ng Quezon, Palawan.
Namahagi ang grupo ng libreng gupit, libreng tuli, dental check-up, circumcision, tsinelas, school supplies at naghandog din ng feeding program sa 200 na residente ng nasabing barangay.
Ito ay kaugnay sa programa ng PNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran) at sa paglulunsad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program na naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.
Patuloy na isinasagawa ng PNP ang mga ganitong programa na naglalayong isulong ang pagkakaisa tungo sa ligtas at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus