Ifugao – Timbog ang isang High Value Target (HVT) sa ikinasang buy-bust operation ng Ifugao PNP at Philippine Drug Enforcement Agency sa Poblacion North, Lagawe, Ifugao nito lamang ika-17 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Colonel Davy Vincent Limmong, Provincial Director, Ifugao Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Mattet”, 32, residente ng Pogoncino, Bagabag, Nueva Vizcaya at isa sa mga drug surrenderees ng Lagawe Municipal Police Station na hindi sumailalim sa rehabilitation program.
Ayon kay PCol Limmong, nadakip ang suspek sa pinagsamang operatiba ng Lagawe Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit Ifugao, Philippine Drug Enforcement Agency-Ifugao, Regional Intelligence Division Cordillera, Regional Intelligence Unit 14, 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit Ifugao at 1501st Regional Mobile Force Battalion.
Nakumpiska mula sa suspek ang 39 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit kumulang 10 gramo at tinatayang may Standard Drug Price na Php68,000.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa section 5 (selling) at 11 (possession) ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, pinuri naman ni PCol Limmong ang mga operatiba sa likod ng matagumpay na operasyon at sa maigting at mahusay na pagsasakatuparan ng kampanya kontra ilegal na droga at sa lahat ng uri ng kriminalidad para sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan ng komunidad.
Source: Ifugao Police Provincial Office