Davao Oriental – Arestado ang isang indibidwal sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP sa Prk. Marva, Brgy. Don Martin Marundan, Mati City, Davao Oriental, noong Pebrero 16, 2023.
Kinilala ni PLtCol Ernesto Gregore, Chief of Police ng Mati City Police Station, ang suspek na si alyas “Reynaldo”, 32, residente ng Prk. Licop, Brgy. Sainz, Mati City, Davao Oriental na tinaguriang Top 2 Most Wanted Person sa City level.
Ayon kay PLtCol Gregore, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na inihain ng pinagsamang tauhan ng Mati CPS na walang piyansang inirekomenda.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara