Caloocan City — Umabot sa Php850,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang lalaki matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Northern Police District nito lamang Biyernes, Pebrero 17, 2023.
Kinilala ni PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng NPD, ang mga suspek na sina alyas “Remy”, HVI, 51, residente ng Manggahan Bagumbong Dulo, Caloocan City; at alyas “Estoy”, HVI, 30, residente naman ng Northville 2 Blk 93 Lot 26, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, bandang 11:55 ng gabi nang maaresto ang mga nasabing suspek sa kahabaan ng Manggahan, Bagumbong Dulo, Barangay 171, Caloocan City ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Dennis A Odtuhan, Asst. Chief, DDEU.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 125 gramo at may Standard Drug Price na Php850,000; isang Shotgun pistol na may 3 pirasong 12-gauge live ammunition; isang sling bag; at isang genuine na Php500 na may kasamang 32 piraso na Php500 boodle money na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang PNP ay lalo pang magpupursige sa paggawa ng kanilang tungkulin upang puksain ang talamak na bentahan ng ilegal na droga sa ating bansa para sa isang tahimik at ligtas na komunidad.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos