Camarines Norte – Arestado ang Rank 4 Regional Most Wanted Person ng Regional Highway Patrol Group para sa kasong paglaba sa Anti-Carnaping Law sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng PNP Bicol sa Purok-3, Barangay Aguit-it, Vinzons, Camarines Norte nito lamang Pebrero 17, 2023.
Kinilala ni PLtCol Andy Rosero, Chief of Police ng Labo Municipal Police Station, ang naarestong akusado na si alyas “JJ”, 24, binata, at residente ng Purok 1, Barangay Guinacutan, Labo, Camarines Norte.
Ayon kay PLtCol Rosero, naaresto ang akusado bandang 1:30 ng hapon ng pinagsanib na mga operatiba ng Labo MPS, CNHPT, RHPU-5, CNPIU at 1st District PTT sa bisa ng Warrant of Arrest na may rekomendadong piyansa na Php300,000.
Ang PNP Bicol ay patuloy sa paghahanap at paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas.
Source: Camarines Norte PPO