Negros Occidental – Inilunsad ng 605th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 6 ang Revitalized PNP KASIMBAYANAN sa Brgy. Tigbao, Calatrava, Negros Occidental nito lamang ika-16 ng Pebrero 2023.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng Department of Interior and Local Government, Department of Agrarian Reform, Local Government Unit ng Calatrava, Calatrava Municipal Police Station, Pastor Lemuel Delos Reyes ng Religious Sector, KKDAT, Force Multipliers, Advocacy Support Group at iba pang mga volunteers.
Tinampok sa aktibidad ang Signing of Pledge of Commitment na pinangunahan ni PMaj Jerome S Manahan, Company Commander ng 605th Maneuver Company, RMFB6, kasabay ng pamamahagi ng food packs, libreng gupit, feeding program at maikling talakayan tungkol sa End Local Communist Armed Conflict, Anti-Illegal Drugs at Anti-Terrorism sa mga residente ng nasabing lugar.
Ang aktibidad ay kaugnay sa Peace and Security Framework ng Pambansang Pulisya, ang MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran upang mapanatili ang magandang ugnayan ng kapulisan at mamamayan.