Pangasinan – Arestado ng Dagupan PNP ang Top 2 City Most Wanted Person sa kasong rape sa Brgy. Poblacion Oeste, Dagupan City, Pangasinan nito lamang ika-16 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Vicente Castor Jr., Officer-In-Charge ng Dagupan City Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Aking”, 53, residente ng Sitio Maligaya, Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Castor Jr., bandang 4:10 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Dagupan City Police Station sa kasong rape at walang rekomendadong piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Source: Dagupan City Police Station
Panulat ni Patrolman Joshua A Jimenez