Davao de Oro – Arestado ang isang indibidwal sa isinasagawang PNP checkpoint sa Purok Kurigsaw, Brgy. Poblacion, Maragusan, Davao de Oro, noong Pebrero 16, 2023.
Kinilala ni Police Major Ariel Pascual, Acting Chief of Police ng Maragusan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Sammi”, 38, residente ng Brgy. Tag-ugpo, Pantukan na tinaguriang Street Level Drug Personality sa lugar.
Ayon kay PMaj Pascual, nahuli ang suspek matapos dumaan sa isinasagawang checkpoint ng Maragusan MPS at makitaan ng ilang pakete ng hinihinalang marijuana.
Dagdag pa ni PMaj Pascual, nakuha mula sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang marijuana na may bigat na humigit kumulang na 3 gramo na may street market value na Php360.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at upang dumaan sa tamang disposisyon.
Nagpaalala namang muli ang kapulisan na tumigil sa mga ilegal na aktibidad dahil sila ay patuloy sa pagsisikap na makamit ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara