Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa mga dumadaming spam messages na nag-aalok umano ng trabaho na may malaking sahod gayundin ng mga Christmas perks at freebies na naglipana dahil na rin sa papalapit na kapaskuhan.
Ang spamming ay isang paraan ng panloloko ng mga kawatan sa mga potensyal na target o bibiktimahin upang tumugon sa mga text message na ipapadala nang maramihan ng isang unknown sender.
Ang modus ay para akitin ang subscriber o biktima na mag-click sa “bait link” kung saan magre-redirect ito sa kanya sa isang messaging application at doon kokolektahin ang kanyang personal at sensitibong impormasyon.
“Most victims fall prey to these traps when being offered jobs such as processing online orders of a shopping app. Scammers pretend to be connected with well-established companies who shall process the job application,” saad ni PNP Chief Dionardo Carlos.
Pinaalalahanan ng PNP ang publiko na mag-ingat sa mga ganitong modus ng panloloko at huwag pansinin ang mga mensahe mula sa hindi kilalang nagpadala. Makabubuting suriin muna ang background ng nasabing kumpanya na nag-aalok ng trabaho bago magbigay ng anumang personal na detalye.
Huwag magbigay ng mahahalagang impormasyon nang hindi bineberipika ang pagiging lehitimo ng transaksyon upang hindi maging biktima ng Identity Theft.
Para sa karagdagang tulong at reklamo, maaaring bisitahin ang https://acg.gov.ph/eComplaint at Facebook page na @anticybercrimegroup o hotline number 09054146965.
####
Panulat ni: Police Corporal Kathlene Maraño
Good Job Team PNP
Wag po tyo magpapaloko sa mga taong manloloko?✍