Isabela – Nakilahok at pinarangalan ng DILG Region 2 ang Police Regional Office 2 sa pangunguna ni Police Brigadier General Percival A Rumbaoa, Acting Regional Director ng PRO 2 bilang isa sa may matagumpay na implementasyon sa pagsugpo ng ilegal na droga sa lambak ng Cagayan na ginanap sa Casa Jardin by Zen Brgy. Patul, Santiago City, Isabela nitong ika-14 ng Pebrero 2023.
Kasama sa pinarangalan ang mga lokal na pamahalaan sa mga probinsiya ng Cagayan, Isabela, Batanes, Quirino at Nueva Vizcaya bilang ADAC National at Regional Awardees, High Functional Anti-Drug Abuse Councils, Drug Cleared Municipalities, Community-Based Anti-Illegal Drugs Advocacy, Balay Silangan at Drug Free Workplace ng National Government Agencies (NGAs).
Nagpahayag ng malaking pasasalamat si Undersecretary Marlo L. Iringan, DILG Undersecretary ng Local Government sa mga LGUs at government offices sa kanilang walang patid na tulong at magiting na pagsisikap para sa pagsugpo ng ilegal na droga sa mga nasasakupan.
Aniya, lubos ang papuri sa kapansin-pansin na pagsisikap at pagsuporta sa mga law enforcement organizations hanggang sa komunidad na nagpatibay ng institusyon at nagdulot ng magandang resulta.
Ang criteria sa pagtukoy ng high functional ADACs ay hindi bumababa sa 80 percent para sa Barangay ADAC na may mataas na functionality kung saan may kakayahan na maging drug-cleared o drug-free status na siyang nagpabawas sa mga ilegal drug cases sa mga nasasakupan, nitong nakaraang 2022.
Sa masusing pagsusuri ng ADAC, napatunayan ang malaking bahagi ng pagsisikap ng Pambansang Pulisya kung saan nagkaroon ng magandang resulta sa buong lambak ng Cagayan. Ngunit hindi doon nagtatapos ang paglaban sa ilegal na droga. Kaya naman patuloy pa rin ang pagsugpo ng kapulisan dito, na isa sa mga paraan ng pagsawata ng kriminalidad sa lipunan.
Source: PRO2 PIO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos