Quezon City – Makahulugang ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso ng mga miyembro ng Police Community Affairs and Development Group sa pamamagitan ng Valentine’s Day Holy Mass at Socials sa Audio-Visual Room, PNP Museum, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nito lamang Miyerkules, Pebrero 14, 2023.
Nagsimula ang programa sa isang misa na pinangunahan ni Rev. Father Alejo Despacio Jr., Chief, Catholic Base Chaplain/Parish Priest kasama ang PCADG Command Group sa pangunguna ni Police Colonel Lou Evangelista, Acting Director.
Namigay ng bulaklak at chocolates sa mga babaeng PCADG personnel para mas maramdaman at makabuluhan ang Valentine’s Day.
Samantala, nakatanggap naman ng birthday greetings at Cash incentives ang mga birthday celebrator sa buwan ng Enero at Pebrero at ang aktibidad ay nagtapos sa simpleng salo-salo.
“Alagaan natin ang ating pangangatawan upang magampanan ang sinumpaang tungkulin at alagaan ang ating mga pamilya at palaging ipadama ang pagmamahal sa mga taong malalapit sa ating puso”, saad ni PCol Evangelista.
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz