Alinsunod sa Intensified Anti-Illegal Drugs Campaign ng NCRPO sa pamumuno ni PMGen Vicente Danao Jr, isang (1) Chinese National sa Taguig ang inaresto ng mga elemento ng Taguig Police Substation 1, matapos makatanggap ng package na naglalaman ng iligal na droga mula sa isang app-based courier noong Lunes, Disyembre 13.
Nakilala ang suspek na si Xingchao Li, 29 taong gulang, lalaki, Chinese national, naninirahan sa McKinley, Taguig City.
Ayon sa ulat na isinumite kay PBGen Jamili Macaraeg, District Director ng Southern Police District, bandang 2:59 ng hapon ng Lunes, Disyembre 13, kinuha ng Lalamove rider ang parcel sa Baclaran area, bilang protocol nang matanggap ang parcel mula sa nagpadala (Xiaofei), kukuhaan siya ng litrato kasama ang parcel ngunit tumanggi ito, sa halip ay binigyan siya ng Php100. Nang dumating ang rider sa lugar ng McKinley West, hindi matagpuan ang receiver sa ibinigay na lokasyon. Sa pagkakataong iyon, naghinala na ang rider sa parcel at sinuri ito. Natuklasan niya ang isang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu at agad na humingi ng tulong sa mga kapulisan na nagresulta sa pagkaaresto sa tatanggap ng parcel.
Ang Taguig Drug Enforcement Unit ay nagsagawa ng entrapment operation para sa posibleng pagdakip sa nagpadala ng parcel ngunit ito ay hindi naging matagumpay.
Ang suspek na si Li ay itinurn-over sa SDEU para sa imbestigasyon at tamang disposisyon habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay itinurn-over sa SPD Forensic Unit.
#####
Panulat ni: Patrolwoman Nica v Segaya
Salamat sa PNP