Thursday, October 10, 2024

Php129K halaga ng shabu nasabat sa PNP checkpoint

Davao City – Tinatayang aabot sa Php129,200 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang checkpoint ng PNP sa Licanan, Lasang, Davao City, noong Pebrero 11, 2023.

Kinilala ni Police Major Robel Saavedra, Acting Station Commander ng Bunawan Police Station, ang suspek na si alyas “Alfin”, 36, residente ng Tugbok Dist. Davao City.

Ayon kay PMaj Saavedra, nahuli ang suspek matapos dumaan sa isinagawang checkpoint ng pinagsamang tauhan ng Bunawan PS at Task Force Davao at makitaan ng hinihinalang shabu sa pamamagitan ng plain view.

Dagdag pa ni PMaj Saavedra, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 19 gramo na may street market value na Php129,200.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni PBGen Benjamin Silo Jr, PRO11 Regional Director ang nasabing pagkakadakip sa suspek na lalong maglalapit sa kanilang layunin na gawing drug-free ang rehiyon onse.

Panulat ni Patrolman Alfred Vergara

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles