Tarlac – Umarangkada ang 2nd Provincial Mobile Force Company, Tarlac PNP sa kanilang Community Outreach Program sa mga residente ng Purok 1, Brgy. San Jose, Mayantoc, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-8 ng Pebrero 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Franklin Estoro, Force Commander ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Tarlac Police Provincial Office kasama si Pastor Emerson Mariano, Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Barangay Officials, Women’s Group at OFW families.
Umabot sa 100 na benepisyaryo ang nahandugan ng libreng food packs, tsinelas, damit, at nagkaroon din ng palaro para sa mga bata.
Higit na nagpasalamat ang mga residente sa ibinigay na tulong ng mga awtoridad.
Patuloy sa paghahatid ng serbisyo ang Tarlac PNP at pagpapanatili ng kaayusan.
Source: 2nd PMFC, Tarlac PPO
Panulat ni PCpl Jeselle Rivera/RPCADU3