Cebu City – Isang ngiti ng pasasalamat ang naging bakas sa mga mukha ng mga batang naging bahagi sa feeding activity na isinagawa ng mga tauhan ng Police Station 5 ng Cebu City Police Office sa Sitio Bato, Ermita, Cebu City nito lamang ika-7 ng Pebrero 2023.
Naging matagumpay ang naturang aktibidad sa pangunguna ni Police Major Keneth Paul Albotra, Police Station 5 Commander, katuwang sina Police Staff Sergeant Alexander Lu Zapanta, SCAD PNCO, Police Corporal Johnrey Cañete Dayanan, PSMU PNCO, 14th Civil Military Operation Philippine Army at TAU GAMMA PHI Ermita Chapter.
Layunin ng aktibidad na maghatid ng saya at liwanag sa mga mukha ng kabataan na kanilang nasasakupan kung saan tinatayang nasa 200 ang naging benepisyaryo ng libreng gupit at feeding activity na kanilang handog.
Tinitiyak naman ng Cebu City PNP katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan na patuloy silang magtutulungan upang mas lalo nilang mapagtibay at mapalawig ang kanilang adbokasiya na sumasang-ayon sa hangarin ng pamahalaan at kapulisan na magkaroon ng isang maunlad at mapayapang pamayanan para sa lahat ng mamamayan.