Leyte – Nakiisa ang Police Regional Office 8 sa “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o B.I.D.A. Program Roll-out ng Department of the Interior and Local Government na ginanap sa Leyte Academic Center, Palo, Leyte, nito lamang Pebrero 8, 2023.
Ito ay personal na dinaluhan ni Atty Benjamin C Abalos Jr, Secretary ng Department of Interior and Local Government bilang Keynote Speaker.
Nilahukan din ito ni Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, The Deputy Chief, PNP for Administration kasama sina Police Brigadier General Rommel Francisco D Marbil, Regional Director ng PRO8; Dir. Arnel M Agabe, Regional Director ng DILG RO 8; Atty Gil T Pabilona, Regional Director, PDEA 8; Police Colonel Owen S Andarino, Acting Deputy Regional Director for Administration, PRO 8; Regional Directors from other Government Agencies, Governors mula sa iba’t ibang probinsya ng Eastern Visayas, Local Chiefs Executives, Provincial and City Directors ng Provincial and City Police Offices, Regional Staffs of PRO 8, Barangay Officials, Sangguniang Kabataan, KKDAT, Stakeholders, and iba pang bisita na nagpakita ng kanilang buong suporta sa pagwawakas sa banta ng ilegal na droga sa rehiyon.
Nagsimula ang aktibidad sa isang overview sa pamamagitan ng Audio-Video Presentation (AVP) ng BIDA program. Sinundan ito ng Awarding of Certificates to Drug-Cleared LGUs at ang Recognition of National and Regional Anti-Drug Abuse Council awardees.
Binigyang-diin din nito ang pagbibigay ng Certificates of Recognition sa Highway Patrol Group at Allen Municipal Police Station para sa matagumpay na pagharang ng Php69 milyong halaga ng shabu at ang pamamahagi ng cash assistance sa mga pulis na namatay at nasugatan sa mga operasyon ng pulisya.
Binigyan naman ng Cash assistance na Php500,000 ang pamilya ni Pat Rico J Borja na napatay sa operasyon ng pulisya na isinagawa ng mga miyembro ng CTG noong Abril 4, 2022 sa Barangay San Miguel, Las Navas, Northern Samar, habang Php300,000 naman ang ibinigay kay Pat Leandro Luciano M Bulosan na nasugatan sa parehong operasyon ng pulisya.
Sa kabilang banda, Php50,000 ang ibinigay kay PSSg Romeo P Esperas Jr na aksidenteng nasugatan sa rappeling demonstration sa BISOC Training noong Oktubre 11, 2022 sa Brgy. Rizal 2, Babatngon, Leyte.
Hinikayat naman ni PBGen Marbil, ang lahat lalo na ang mga kabataan na tumulong at makipagtulungan sa mga awtoridad sa kampanya laban sa ilegal na droga. “Magtulungan tayo para mapuksa ang ilegal na droga sa lansangan. Dito sa Region 8, BAYANI tayong lahat”.
Kasabay ng programa, ang ilang unit ng PRO 8 ay nagbigay ng frontline services. Ang Regional Recruitment and Selection Unit (RRSU8) ay nagbigay ng kaalaman sa impormasyon sa proseso ng PNP recruitment; nagsagawa ng lecture ang Regional Civil Security Unit (RCSU8) sa mga kinakailangan para sa aplikasyon ng License to Own and Possess Firearm (LTOPF); ang Regional Legal Office (RLO8) ay nagbigay ng libreng legal na konsultasyon at information drive sa legal na mandato nito; ang Regional Medical and Dental Unit (RMDU8) ay nagsagawa ng lecture tungkol sa tamang kalinisan, libreng pagkuha ng BP at konsultasyon; at ang Regional Forensic Unit (RFU8) ay nagsagawa ng information drive sa mga kinakailangan para sa isang drug test at iba pang forensic services.
Sa kabuuan, may mahigit o kulang 3,000 kalahok na nagmula sa iba’t ibang ahensya at sektor ang dumalo sa naturang kaganapan.
Ang nasabing programa ng DILG ay naglalayon na mas lalong pagtibayin ang institusyon sa implementasyon ng drug reduction activities, himukin ang partisipasyon ng mga multi-sectoral, secure commitments mula sa National Government Agencies at partner organizations, at palawakin ang kaalaman sa mga impormasyon, edukasyon, at communication materials ang komunidad para sa kaligtasan ng bawat isa.