Nakaligtas ang mga kapulisan ng Pinabacdao, Samar sa pag-atake ng mga hinihinalang Teroristang Komunista sa Brgy. Pelaon, Samar noong hapon ng Disyembre 11, 2021.
Ang kapulisan ng Pinabacdao Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ng kanilang Officer-in-Charge na si PLt Leslie P Montabon, ay patungo sana sa Brgy. Pelaon, Pinabacdao, Samar upang maghatid ng materyales bilang tulong sa gagawing proyekto na pabahay sa isang residente ng nasabing barangay, ngunit hindi pa man nakakarating ang tropa sa Brgy. Pelaon ay pinaulanan na ng bala ng mga miyembro ng komunistang grupo na NPA ang sasakyan ng kapulisan.
Sa kabila ng pag-atake ng teroristang komunista ay hindi sila nagtagumpay sa kanilang masamang plano.
Mariing kinokondena ng buong kapulisan ang ginawang pag-atake ng teroristang komunista.
#####
Panulat ni: Patrolwoman Darice Anne Regis
Mga walang puso ang mga teroristang NPA n yan..mga salot s lipunan
Sana masugpo ng mga teroristang eto. Salamat PNP. ingat palagi… God bless