Cagayan – Sumailalim sa isang Drug-Free Workplace Seminar at Random Drug Testing ang mga Cagayano Cops sa Camp Tirso Gador, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Lunes, Pebrero 6, 2023.
Isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency II (PDEA II) ang naturang Seminar na dinaluhan ng mga kapulisan na nakabase sa Cagayan Police Provincial Office.
Sinundan ang talakayan ng isang Random Drug Testing na isinagawa naman ng Forensic Group ng Rehiyon.
Ayon kay Police Colonel Julio S Gorospe Jr., Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, ang kapulisan ay patuloy na nagsasagawa ng kampanya laban sa ilegal na droga kung kaya’t nararapat lamang na ang bawat Cagayano Cops ay malinis at maging isang magandang ehemplo sa lahat.
Pinaalalahanan din niya ang mga ito na huwag babahiran ng ilegal na droga ang uniporme ng kapulisan sapagkat dudungisan nito ang buong organisasyon.
Matatandaan na noong Marso 30, 2021 naideklara ang Cagayan PPO bilang kauna-unahang Police Provincial Office sa ilalim ng Police Regional Office 2 na isang ganap na Drug-Free Workplace.
Bahagi ang aktibidad ng pagsuporta ng Cagayano Cops sa Internal Cleansing Program ng Pambansang Pulisya.
Source: Cagayan Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes