Lanao del Norte – Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company – Lanao del Norte PNP na ginanap sa Brgy. Poblacion, Kolambugan, Lanao del Norte nito lamang ika-7 ng Pebrero 2023.
Ang aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company, Lanao del Norte Police Provincial Office sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Alwin Baclao, Force Commander kasama ang Local Government Unit ng Kolambugan sa pamumuno ni Mayor Allan Omamos.
Layunin ng aktibidad na mapangalagaan ang likas na yaman ng karagatan na pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga mamamayan.
Ang Lanao del Norte PNP ay patuloy na magsasagawa ng mga aktibidad katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno para sa pagpapanatili ng maayos at payapang kalikasan tungo sa pag-unlad.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10