Tarlac – Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang Camiling PNP sa mga motorista na ginanap sa Brgy. Marawi, Camiling, Tarlac nito lamang Linggo, ika-5 ng Pebrero 2023.
Ito ay pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Marlon Gayla, Alert Team Leader ng Camiling Municipal Police Station.
Ininspeksyon ang mga dumadaang motorista kung nakarehistro ang kanilang mga sasakyan at kung hindi expired ang kanilang mga lisensya.
Layunin nito ang masiguro na sumusunod ang mga motorista sa mga ipinatutupad na batas.
Sinisiguro ng Tarlac PNP na patuloy ang pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa kanilang nasasakupan.
Source: Camiling Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3