Nueva Vizcaya – Naglunsad ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office ng 1-Day PNP-LTO Deputation Seminar/ Workshop na ginanap sa covered court ng Camp Saturnino Dumlao, Bayombong, Nueva Vizcaya nitong ika-6 ng Pebrero 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Camlon Nasdoman, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa pamamagitan ng Provincial Operations Management Unit (POMU) katuwang ang Transportation Regulation Office II sa pamumuno ni Ginoong Ricardo R Tan at nang Transportation Regulation Office-Bayombong District Office sa pamumuno ni Ginang Marietta A Flores.
Aktibo namang nilahukan ng iba’t ibang Police Stations at PMFCs sa naturang probinsya ang aktibidad at kalaunan ay nakapagtala ng 93 Deputized LTO personnel.
Layunin ng aktibidad na mas paigtingin ang Batas trapiko sa mga motorista at maipatupad ang mga kaukulang parusa sa kung sino man ang lalabag nito. Kaakibat nito ay upang maiwasan ang mga aksidente sa daanan na siyang kumikitil ng buhay ng karamihan.
Source: Nueva Vizcaya Police Provincial Unit
Panulat ni PCpl Harry B Padua