Misamis Oriental – Inilunsad ang “Buhay Ingatan, Droga`y Ayawan” o BIDA Roll-out kaugnay sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan ng Police Regional Office 10 sa El Salvador City Gymnasium, El Salvador City, Misamis Oriental nito lamang ika-6 ng Pebrero 2023.
Naging pangunahing pandangal si Attorney Benjamin C. Abalos Jr., Secretary, Department of Interior and Local Government bilang Keynote Speaker.
Nilahukan din ito ni Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, The Deputy Chief PNP for Administration kasama sina Police Brigadier General Jason L Ortizo, Director ng Chaplain Service; Police Brigadier General Lawrence B Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10; Command Group ng PRO 10 kinatawan mula TESDA, DSWD, DOH, DepEd, PSA, PAG-IBIG, NTC at DA.
Sinimulan ang programa sa pagsagawa ng Motorcade patungo sa El Salvador Gymnasium kasunod nito ay Sports Activities tulad ng Zumba at Taebo, Presentasyon ng Community-Based Drug Rehabilitation Program/Recovery and Wellness Program o CBDRP/RWP, Recognition sa mga Drug-Cleared na Munisipalidad at Probinsya, Awarding of KADIWA at Pag-lagda sa Memorandum of Understanding/Pledge of Commitment kasama ang Non-Government Organizations at ICAD na sumusuporta sa BIDA Program.
Ang Buhay Ingatan, Droga`y Ayawan o BIDA Program ay isang National Anti-Illegal Drugs Advocacy Program na may layuning pagtibayan ang implementasyon ng Drug Demand Reduction ng bansa katuwang ang Local Government Unit, National Government Agencies, Partner Organizations at Police Regional Office 10 na lumalaban sa pagkalat ng ilegal na droga upang mapanatili ang maayos at payapang komunidad.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10