Nueva Vizcaya – Nasabat ng Santa Fe PNP at DENR sa pakikipag-ugnayan nila sa 3rd Maneuver Platoon ng 2nd Nueva Vizcaya PMFC ang mahigit Php1.4 milyong halaga ng hindi dokumentadong kahoy na narra sa isinagawang Dragnet Operation sa Santa Fe, Nueva Vizcaya nitong ika-5 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Major Angelo M Dasalla, Chief of Police ng Santa Fe Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ronaldo”, 47, residente ng San Agustin, San Miguel, Bulacan.
Nakumpiska mula sa suspek ang 2,975.33 board feet na itinatayang aabot ng mahigit 1,487,666.65 pesos na lulan ng isang puting Wing Van na merong hindi otorisadong plaka na XPT 116 at kalaunan ay napag-alaman na ang otorisadong plaka nito ay CAC 9857.
Ang mga nakumpiskang kahoy na narra at sasakyan ay maayus na naiturn-over sa mga tauhan ng DENR-CAVAROMS sa Brgy. Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya, samantala ang suspek na nadakip ay dinala sa himpilan ng pulisya ng Santa Fe para sampahan ng kaukulang kaso.
Tiniyak naman ng Santa Fe PNP na patuloy pa rin sila sa pagpapaigting ng kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at sa pagpapatupad ng batas at upang matiyak na mapigilan ang paglaganap ng krimen sa komunidad.
Source: Santa Fe Police Station
Panulat ni PCpl Harry B Padua