Matagumpay ang isinagawang follow-up operation ng Intel Operatives ng Pateros Municipal Police Station na sina PSSg Mark Anthony Ocfemia, PSSG Mykel Josef Rodriguez, PSSg Jimmy Algaser at PCpl Jefferson Bilaw sa Lupang Arienda, Taytay, Rizal noong Disyembre 9, 2021 na nagresulta sa pagkakaaresto ng limang (5) suspek sa carnapping at robbery at pagkabawi ng ninakaw na motorsiklo at ang mga personal na ari-arian ng mga biktima na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php200,000.
Nakilala ang mga suspek na sina Harold Castro y Isanan “Aka Badong”, 18 taong gulang, construction worker, residente ng Alley 5, Sta Ana, Pateros; Ivan Vicente y Recoco (CICL) “Akka Agie”, 17 taong gulang, walang trabaho, naninirahan sa Alley 5, Sta Ana, Pateros; Kc Ashley Paloma y Serrato (CICL) “Aka Ashley”, 15 years old, walang trabaho, naninirahan sa #9 Salop, Sta Ana, Pateros; Justine Arcilla y Aniceto (CICL), 16 taong gulang, Grade School Student, naninirahan sa Alley 5, Sta Ana Pateros; at Edward Padilla y Tolentino Aka Buknoy, legal na edad, naninirahan sa Capt. Musni, Sta Ana, Pateros.
Ayon sa mga biktima, bandang alas 4:00 ng umaga ng Disyembre 9, 2021, ipinarada nila ang kanilang motorsiklo na Yamaha Mio Sporty, kulay pula na may plate number na NE532 sa loob ng tindahan na matatagpuan sa Block 5, Lot 7, Masikap, Complex Brgy Sta Ana Pateros. Kinaumagahan, nagulat sila nang madiskubre na nawawala na ang kanilang nakaparadang motorsiklo at ang kanilang mga personal na gamit sa loob ng kanilang tindahan.
Ang mga naarestong suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016-Motorcycle) at Robbery matapos maipaliwanag sa kanila ng DSWD ng Pateros ang kanilang mga kinakailangan para sa pagpuno ng kaso sa Child In-Conflict with the Law (CICL) bago pa ang Inquest Proceedings sa Rizal Prosecutor’s Office.
Ang mabilis na pag-aksyon ng ating kapulisan ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang isang magiting na Pulis.
#####
Panulat ni:Â Patrolwoman Nica V Segaya
Salamat sa mga Alagad Ng Batas
Nice one, God bless PNP!