Cotabato – Humihimas na ng rehas na bakal ang 21-anyos na binata matapos maaresto ng Matalam PNP sa kasong panggagahasa o Rape sa Sitio Patag, Brgy. Tamped, Matalam, Cotabato noong ika-3 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arniel Melocotones, Hepe ng Matalam Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Selmo”, tinaguriang Municipal Most Wanted Person at residente ng nabanggit na lugar.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi tumitigil sa paghuli sa mga taong nagtatago sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima nito.
Source: Matalam Municipal Police Station PRO12
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin