Pasay City – Makalipas ang dalawang araw mula nang makatanggap ang PNP ng impormasyon tungkol sa nawawalang menor de edad mula sa Antipolo City ay natunton ito sa Davao at ngayon ay ligtas na nakauwi na sa kanyang pamilya.
Ito ay matapos ang masusing pagsubaybay ng AVSEGROUP at Antipolo City Police sa kanyang biyahe mula Davao International Airport hanggang NAIA alas Dos ng hapon ng Pebrero 4, 2023.
Ayon sa hepe ng AVSEU NCR na si PCol Rhoderick Campo, nakipag-ugnayan ang Antipolo City Police Station tungkol sa nasabing dalaga kaya agad naman silang nakipag-ugnayan sa Davao International Airport Police Station.
“Sa pagtutulungan ng AVSEU NCR at Antipolo City Police ay ligtas na nakarating ang 17 anyos na dalaga sa NAIA kasama ng kanyang mga magulang na tuluyan nang nakauwi sa kanilang lugar”, dagdag pa ni PCol Campo.
###