Saturday, November 2, 2024

2 tulak ng droga, tiklo sa magkahiwalay na PNP buy-bust

Cebu City – Timbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga operatiba ng Cebu City Police Office ang dalawang lalake na umano ay tulak ng ilegal na droga sa Cebu City noong Biyernes, Pebrero 3, 2023.

Ayon kay Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng CCPO, dakong alas-8:30 ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng Police Station (PS) 8 ang suspek na kinilalang si alyas “Soc”, 29, sa Sitio Burgos, Brgy. Pulangbato, Cebu City sa operasyon na pinangunahan ni Police Major Alvin A Llamedo, Station Commander.

Nasamsam sa suspek ang mga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana na may kabuuang timbang na 9.2 gramo na may Standard Drug Price na Php1,150.

Samantala, dakong alas-10:40 nang gabi, nasakote sa operasyon na pinangunahan ni Police Major Francis Renz Talosig, Station Commander ng PS 6, ang 38-anyos na si alyas “Tambok” sa Quijano Compound, Brgy. Calamba matapos makumpiska sa pag-iingat nito ang nasa 8.48 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakakahalaga ng Php57,664.

Kapwa nahaharap ang mga naaresto sa paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Siniguro naman ng Cebu City PNP na ang maayos at mas pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga at sa lahat ng kriminalidad ay kanilang ipagpapatuloy para sa pagsusulong at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng lungsod.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles