Camarines Sur – Nakiisa ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 5 sa isinagawang Symposium on Students Welfare and Development ng La Purisima National High School sa Barangay La Purisima, Nabua, Camarines Sur nito lamang Biyernes, Pebrero 3, 2023.
Ang naturang aktibidad ay may temang “Disiplina at Responsibilidad Hamon sa Pangarap” na pinangunahan ng La Purisima National High School katuwang ang mga tauhan ng RPCADU 5, DepEd Camarines Sur, Municipal Health Office at Nabua Municipal Police Station.
Tinalakay ni PSSg Mercolito Lovendino Jr at si PCpl Thaddeus Quintana ng RPCADU5 sa mga estudyante mula Grade 7 hanggang Grade 12 ang masamang maidudulot sa pagsali sa Left Leaning Organizations at sa epekto ng paggamit ng ilegal na droga.
Makikita sa mga estudyante ang sobrang tuwa at kooperasyon at nagtagisan pa ng galing sa pagsagot ng mga katanungan na may kaakibat na premyo galing sa nasabing grupo.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagsagawa ng ganitong aktibidad upang hindi malihis sa landas ang mga kabataan at makamit ang kanilang inaasam na pangarap.