Valenzuela City — Tinatayang Php136,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Valenzuela City Police Station nito lamang Sabado, Pebrero 4, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Salvador Destura Jr., Officer-In-Charge ng Valenzuela CPS, ang suspek na si alyas “Nognog”, 47 at residente ng 2244 Sia Compound, Lamesa St. Ugong, Valenzuela City.
Ayon kay PCol Destura, bandang 1:15 ng madaling araw nang maaresto si alyas “Nognog” sa kahabaan ng 2244 Sia Compound Lamesa Street Ugong, Valenzuela City ng mga tauhan ng SDEU-VCPS sa nasabing operasyon.
Narekober sa suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php136,000; dalawang tunay na Php500 at pitong piraso na Php1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11 sa ilalim ng Artikulo II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ng Northern Police District na paiigtingin pa lalo ang kampanya sa ilegal na droga at magbabantay 24/7 sa lahat ng lansangan sa Northern Metro upang maiwasan ang talamak na bentahan ng mga ipinagbabawal na gamot at tuluyang mahuli ang mga indibidwal na lumalabag sa batas.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos