Cavite – Naaresto ang Top 1 Provincial Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape ng mga operatiba ng Maragondon Municipal Police Station sa Brgy. Garita-A, Maragondon, Cavite bandang 5:20 ng hapon nito lamang Biyernes, Pebrero 3, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Christopher Olazo, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Ranny”, 28, residente ng naturang barangay.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang tagumpay ng Maragondon PNP laban sa mga may pagkakasala sa batas ay bunga ng pinaigting na suporta at pakikipagtulungan ng mamamayan para manatiling tahimik, ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A