Bukidnon – Tinatayang nasa Php272,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa joint entrapment operation ng Provincial Drug Enforcement Unit-Bukidnon at Maramag Municipal Police Station sa Purok 6, Brgy. South Poblacion, Maramag, Bukidnon bandang 10:00 ng gabi nito lamang Huwebes, Pebrero 2, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Reynante Reyes, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Michael”, 28 at alyas “Johanna”, pawang residente ng nasabing lugar.
Nakuha sa operasyon ang 53 na pakete na hinihinalang shabu na may timbang na 40 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php272,000, isang black Samsung keypad, isang shoulder bag, isang vaccination card at isang pirasong Php500 peso bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Sec 5, Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Bukidnon PNP ay patuloy ang paglaban sa ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad para sa pagpapanatili ng maayos at payapang probinsya tungo sa pag-unlad.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10