La Union – Nagsagawa ng rollout BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) program at PNP KASIMBAYANAN sa City Plaza San Fernando, La Union nito lamang ika-3 ng Pebrero 2023.
Ang aktibidad ay dinaluhan ni Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, The Deputy Chief PNP for Administration bilang panauhing pandangal, kasama sina PBGen John C Chua, Regional Director ng PRO 1; PCol Lambert Suerte, Provincial Director ng La Union PPO; Governor Raphaelle Veronica Ortega-David; Ms. Agnes De Leon, Regional Director ng DILG; LGUs ng City of San Fernando; at iba pang mga national government agencies sa lungsod at Kasimbayanan Communities.
Matatandaang noong Oktubre 7, 2022 inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Anti-illegal Drugs Advocacy BIDA Program o “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” katuwang ang mga local government units (LGUs), National Government Agencies (NGAs), at iba pang pangunahing sector ng lipunan na ipagpatuloy na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at nakapaloob sa ating batas at pagrespeto sa karapatang pantao at socio-economic development.”
Ang layunin ng BIDA program ay para pagtibayin ang institusyon sa implementasyon ng drug reduction activities, himukin ang partisipasyon ng mga multi-sectoral, secure commitments mula sa National Government Agencies at partner organizations, at palawakin ang kaalaman sa mga impormasyon, edukasyon, at communication materials ang komunidad para sa kaligtasan ng bawat isa.
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan/RPCADU1