Agusan del Norte – Arestado ang Top 10 Regional Priority Target at nakumpiska ang Php68,000 halaga ng hinihinalang shabu sa paghahain ng Search Warrant ng Agusan del Norte PNP sa P-2, Brgy. Triangulo, Nasipit, Agusan del Norte nito lamang Huwebes, Pebrero 2, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Filemon Pacios, Provincial Director ng Agusan del Norte Police Provincial Office, ang High Value Individual na si alyas J-R, 32, residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PCol Pacios, bandang 9:50 nang gabi nang isagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Agusan del Norte Provincial Intelligence Unit katuwang ang Nasipat Municipal Police Station at PDEA-Caraga.
Nakumpiska sa operasyon ang 27 piraso ng heat-sealed transparent sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 10-gramo at may Standard Drug Price na Php68,000; isang match box; isang nakarolyo na foil; at dalawang lighter.
Nahaharap ang naaresto sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“The campaign against illegal drugs was operated in order to define and further reduce the illegal drug trade and fight against drug dealers. I congratulate the personnel of ADN PIU, together with the personnel of Nasipit MPS and PDEA 13 in working together to intensify this war against illegal drugs to prevent the spreading of these illegal drugs to the public”, pahayag ni PCol Pacios.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13