South Cotabato – Isinuko ng isang Senior Citizen ang isang baril sa mga tauhan ng Sto. NiƱo Municipal Police Station nito lamang ika-1 ng Pebrero 2023.
Ayon sa Sto. NiƱo MPS, ang nasabing Senior Citizen ay isang negosyante at residente ng Purok Lapu-lapu Village, Barangay. Poblacion, Sto. NiƱo, South Cotabato.
Isinuko ang baril na kalibre 45 at isang magazine bunsod ng kampanya ng pulisya sa pagsasagawa ng diyalogo kaugnay sa Anti-Terrorism ng pamahalaan.
Ang isinukong baril ay nasa pag-iingat na ng Sto. NiƱo MPS para sa karagdagan pang dokumentasyon.
Hinimok naman ng kapulisan ang iba pang mga residente na makipag-coordinate agad sa otoridad sakaling mayroong mga ilegal na kagamitan.
Panulat ni Patrolman Jerrald Gallardo