Cebu – Tinatayang nasa mahigit 200 piraso ng puno ng Narra ang itinanim sa inilunsad na tree planting activity ng mga tauhan ng Cebu City Police Office sa Brgy. Mabini, Cebu City, Cebu nitong Huwebes, Pebrero 2, 2023.
Ang aktibidad ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ng mga tauhan ng City Community Affairs and Development Unit (CCADU) ng CCPO na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Albert Reeves Quilitorio, Chief, CCADU, na masugid na nilahukan ng mga Station Community Relation Officers, miyembro ng Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU), Barangay Public Safety Officers (BPSO), at pamunuan ng nabanggit na barangay.
Ang aktibidad ay kabilang sa mga isinusulong na programa ng PNP upang pangalagaan at protektahan ang kalikasan para sa kaligtasan ng mamamayan at kapakanan ng mga susunod na henerasyon.
Kasunod nito ay hinikayat ng PNP ang publiko lalo na ang mga kabataan na huwag magsawang makiisa para sa matagumpay na programa na isinusulong ng pamahalaan maging ng iba pang mga ahensya ng gobyerno.