Cagayan de Oro City – Nasabat ang tinatayang Php750,000 halaga ng ipinuslit na assorted smuggled cigarettes sa isinagawang intel-driven operation ng mga tauhan ng Regional Special Operation Unit 10 sa Zone 3, Brgy. Bulua, Cagayan de Oro City nito lamang Pebrero 1, 2023.
Ayon kay Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, narekober mula sa operasyon ang 2M-Black Menthol, 2M-Red Blend, San Diego, Berlin at Fort na may kabuuan na 52 master cases, tatlong reams at pitong packs na nagkakahalaga ng Php750,000.
Samantala, patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa nakatakas na suspek.
“Sana ay magsilbing paalala po ito sa lahat na bawal po ang pagtitinda ng mga smuggled na sigarilyo o kahit na anomang produkto. Dapat ay meron po kayong legal na dokumento para wala po kayong pananagutan sa batas.” ani PBGen Coop.