Ozamiz City – Kabutihang loob ang ipinakita ng isang pulis sa isang pamilihan sa Ozamis City nito lamang Miyerkules, Pebrero 1, 2023.
Kinilala ni Police Major Dennis Tano, Officer-In-Charge ng Ozamis City Police Station, ang pulis na nagpamalas ng kabutihan na si Patrolman Christ Mark Solatorio na nakatalaga sa Ozamis City Police Station.
Napag-alaman na nakita ni Patrolman Solatario ang isang matanda na nahihirapan maglakad kaya agad itong inalalayan at hinanapan ng mauupuan.
Samantala, pasasalamat naman ang sukli ni lolo sa nasabing pulis.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy na magmamalasakit sa kapwa sapagkat kasama sa sinumpaang tungkulin ang pagiging Maka-tao.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10