Mt. Province – Boluntaryong sumuko sa Mt. Province PNP ang isang lalaking miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Camp Geronimo F. Montes, Poblacion, Bontoc, Mountain Province nito lamang ika-31 ng Enero 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Mafelino Bazar, Regional Director ng Police Regional Office Cordillera, ang sumuko na si alyas “Chinu”, 29, manggagawa at dating miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla (KLG) MARCO sa ilalim ng MPPPO Coplan Hinterlands 2023.
Dagdag pa ni PBGen Bazar, sumuko si alyas “Chinu” sa pagsusumikap at isinagawang serye ng negosasyon ng 2nd Mt. Province Provincial Mobile Force Company, Bontoc at Natonin Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit/ Provincial Drug Enforcement Unit Mt. Province Police Provincial Office, Regional Intelligence Division Cordillera, Regional Intelligence Division 14, 69th Infantry Battalion 71st Infantry Division, 503rd Brigade, 54th Infantry Battalion 5th Infantry Division, Military Intelligence Company, 5th Military Intelligence Battalion, at ng 50th Infantry Battalion 5th Infantry Division ng Philippine Army.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over sa isang M1 Carbine Rifle na may serial number na 6291534, isang magazine na may limang live ammunitions.
Patuloy na hinihimok at hinihikayat ang mga aktibong miyembro at tagasuporta ng CTGs na payapang sumuko sa gobyerno at iwaksi ang mga maling paniniwala upang makapamuhay ng ligtas at payapa.
Panulat ni Patrolman Raffin Jude Suaya/RPCADU Cordillera