Cavite – Isang napakainit na pagtanggap ang inihandog ng Philippine National Police Academy kay Senator Francis Tolentino na itinalaga bilang bagong Faculty Member ng PNPA sa Camp Gen. Mariano Castaneda, Silang, Cavite nito lamang Martes, Enero 31, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major General Eric Noble, Director, Philippine National Police Academy, kung saan itinalaga bilang parte ng Academics Group’s Distinguished Visiting Professor Program (DVPP) si Sen. Tolentino.
Ang pagkakatalaga ni Senator Tolentino ay may layuning bigyan ng kaalaman na kailangan ng mga PNPA Cadets upang maunawaan kung paano gumagana ang pamahalaan at mga mamamayan sa ilalim ng iba’t ibang uri ng mga patakaran, legal na kasanayan, at mga ahensyang nakabalangkas sa konstitusyon na makakakatulong din sa batas at konstitusyon sa pangangalaga ng mga indibidwal na karapatan at pagpapanatili ng balanse ng kapangyarihan sa tatlong sangay ng pamahalaan.
Ang mga promising iskolars ng Bayan ay labis na masuwerte na naturuan ng isang academic achiever at role model para sa mga kabataan na nagtataguyod ng halaga ng edukasyon.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A