Upang mapagaan ang pagkilos ng ilan sa mga Persons with Disability (PWD) ng Tugbok District, Davao City, ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) na nakatalaga dito ay namahagi ng mga underarm crutches o saklay sa kanilang mga napiling benepisyaryo noong Disyembre 9, 2021.
Kasama ang Barangay Health Workers (BHW), Barangay Kagawad at mga tauhan ng R-PSB Tugbok sa pamumuno ni PLt Kyerra Leen Torreon ay kanilang pinuntahan ang tatlong (3) PWDs na naging benepisyaryo ng mga nasabing saklay.
Una na rito si Ginoong Rolando Abadies, 59 taong-gulang na residente ng Purok Rambutan, Brgy. Talandang, Tugbok District na nawalan ng kakayahang makapaglakad ng maayos sa mahabang panahon dahil sa gout arthritis.
Gayundin din si Ginoong Aguinaldo Comanda, 69 taong gulang, residente naman ng Purok Mangga, Brgy. Talandang na limang taon nang nahihirapang maglakad sanhi ng pagkamild-stroke nito.
Habang si Ginoong Julito Osic, 49 taong gulang, residente ng Purok Pomelo, Brgy. Talandang ay dalawang taon na ring hirap maglakad dahil sa pagka-stroke na naging sanhi ng pagkaparalisa ng kanyang kaliwang paa.
Sa tulong at inisyatibong ito ng R-PSB Tugbok ay nabawasan ang hirap ng mga PWDs. Ito ay ipinagpasalamat naman nang lubos nina Ginoong Rolando, Ginoong Aguinaldo, Ginoong Julito at ng kani-kanilang pamilya.
####
Panulat ni: Police Corporal Mary Metche A Moraera
Keep up the good PNP?✍?
Salamat po mga Sir at Mam sa pagaalaga sa ating komunidad..
Salamat sa handog ng mga kapulisan
Godbless PNP!
Salamat po PNP
God Bless PNP