Bukidnon – Tinatayang nasa Php102,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isang drayber na kabilang sa Top 2 PNP/PDEA List (Regional Level) sa isinagawang Search and Seizure Warrant Operation ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Bukidnon Police Provincial Office at Sumilao Municipal Police Station sa Purok-1, Sitio Kilabong, Brgy. Vistal, Villa, Sumilao, Bukidnon nito lamang Enero 28, 2023.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ronald”, 41, dating pulis, drayber, at residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska sa operasyon ang apat na heat-sealed transparent plastic schets ng hinihinalang shabu, apat na pirasong maliit na kulay red envelope, isang piraso ng plastic motorcycle side mirror color blue, isang pirasong plastic box color white, isang pirasong rolled alumunium foil, isang keypad Samsung cellular phone color black, at dalawang pirasong lighter color yellow.
Nasabat din ang isang pirasong medical scissor color silver, tatlong pirasong crumpled aluminum foil, isang pirasong ng unsealed transparent plastic cellophane, 10 pirasong unsealed transparent plastic cellophane, isang pirasong ng transparent plastic box square shape, at 14 na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit kumulang 15 gramo na nagkakalahaga ng Php102,000.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hindi mapapagod ang Northern Mindanao PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon sa pagsugpo sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan sa Hilagang Mindanao.