Sa isang Facebook post ng isang concerned citizen, may isang munting tahanan na halos mabuwal na, tagpi-tagpi ang dingding at lumang luma na ang bubong. Ang munting bahay na ito ay pag-aari ng pamilya ni Tatay Freddie ng Barangay Colab-og, bayan ng Victoria, Northern Samar.
Magkahalong lungkot at pagkabahala ang naramdaman ng Provincial Director ng Northern Samar Provincial Police Office (NSPPO) na si PCol Arnel J Apud nang kanyang nalaman ang kalagayan ng pamilya ni Tatay Freddie, kaya naman ay agaran niyang ipinag-utos na ipagawa ang bahay ng nasabing pamilya sa kanyang mga tauhan.
Sa pagtutulungan ng NSPPO, Victoria at San Isidro Municipal Police Station, ang pagsasagawa at pagsasaayos sa tahanan ni Tatay Freddie at nang kanyang limang (5) anak ay nasimulan noong Disyembre 12, 2021.
Nais ni PCol Apud na matapos ang munti, komportable at ligtas na bahay ng mag-aama bago pa man humagupit ang pinaghahandaang bagyo na si Odette.
Patunay ito na ang ating mga kapulisan ay hindi kailanman magpapahuli na umaksyon at magbigay ng serbisyo publiko sa ating mga kababayan.
####
Panulat ni: Patrolwoman Nica V Segaya
Salute PNP
Mabuhay ang Team PNP ??
Galing at Sipag ng mga kapulisan slamat
Good job PNP?
Maraming salamat po mga Mam at Sir sa serbisyo at pagaalaga sa sambayanan.
Salamat po PNP!
God Bless PNP