Cagayan de Oro City – Nahulihan ng tinatayang Php374,000 halaga ng hinihinalang shabu ang isang Barangay Councilor at babaeng kasama nito sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit 10 sa Landfill, Zayas, Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City nito lamang Enero 28, 2023.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na isang 36 anyos na lalaki, High Value Individual, Barangay Councilor at isang babae na kapwa residente ng Wahigan, Pagalungan, Cagayan de Oro City.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang isang big size heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 55 gramo na nagkakahalaga ng Php374,000.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Puspusan ang kampanya ng Northern Mindanao PNP sa pagsugpo sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Hilagang Mindanao.